Silup
Gloc-9

[Featuring: Denise Barbacena]


[Chorus: Denise Barbacena]

Mamang pulis…

Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong

Dahil ako ay nadukutan

Mamang pulis…

Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo

Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)


[1st Verse: Gloc-9]

Ang pangalan ko ay SPO2 Ruben

Di ako mukang pera kaya wag mo kong utuin

Tsapa ko’y aking dangal, hindi mo to kayang bilhin

Pero meron din namang parang tulog kahit gising

Sa kapangyarihan ay lasing

Budhi na tila maitim

Kapag kailangan ay tawagan, pero bat kaya walang dumarating

Eto merong dalawa na para bang walang pakialam

Sa nagpapasimuno ng gulo

Makikita mo sila na ginugulangan ang mga kumakalam

Kasamaan na sagad sa buto

Kaya pinipihit ko, pinipilit ko

Na gawin ang mga nasa isip nyo

Di lahat ng pulis ay may ugali na para bang sa dimonyo

Pero biro nyo mga drogang nakulimbat silang bumabatak

Kung sasalain ang lahat ng parak malamang marami ang latak

Pero meron pa kayang mga matuwid,mga nakakabilib gumagawa ng mga tama

Kasi madaming nakakatulig, malakas humilik parang mga sunog baga

Teka muna tandaan mo ‘to ako’y pulis na di corrupt

Maraming ring katulad ko, marunong lang ako magrap


[Chorus: Denise Barbacena]

Mamang pulis…

Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong

Dahil ako ay nadukutan

Mamang pulis…

Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo

Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)


[2nd Verse: Gloc-9]

Sangkot sa kotong at jueteng


Isang tiwaling hepeng

Laging nagpapalusot, kung may padulas at may pwedeng

Maibulsa ang maereng parak na parang buteteng

Laot ano na bang nangyari dun sa Kuratong Baleleng?

Laging patay na ang bida

Bago lumabas sa eksena

Kapag tinanong ng reporter ay iisa lamang ang linya

Merong iba na sa T.V ay tila nagpapatawa

Kulang na lamang ay sumigaw ng Napaliligiran na kita!

Mga taong nagugulangan ay hindi mo na mabilang

Paltik man o kwarenta isingko sa mga bewang

Ang gamit upang hindi ipagtanggol ang maliit

Bagkos ay nakatutok sa pagitan ng mga matang nakapikit

Perang kinurakot nyo sa mga bakod nyo dala mo, nasan ang mga takot nyo?

Ga’no na kakapal ang putik na dumungis sa mga pagkatao nyo?

Meron pa kayang mga ilang pulis na di corrupt?

Silang mga katulad ko, marunong lang ako magrap


[Chorus: Denise Barbacena]

Mamang pulis…

Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong

Dahil ako ay nadukutan

Mamang pulis…

Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo

Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)


[Gloc-9:]

Ang pangalan ko ay SPO2 Ruben

Di ako mukang pera kaya wag mo kong utuin

Ang tsapa ko’y aking dangal, hindi mo to kayang bilhin

Kahit ang pasweldo sa amin ay ilang pisong duling (pisong duling)


[Chorus: Denise Barbacena]

Mamang pulis…

Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong

Dahil ako ay nadukutan

Mamang pulis…

Pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo

Upang hindi ako malapastangan (Lapastangan... lapastangan… lapastangan…)


  Purchase "Silup"   Purchase Entire Album   Email Video to Friends   Play Youtube "Silup" Video   Play Spotify "Silup" Song   View Wikipedia "Silup" Entry   Receive Emails for Future Gloc-9 Lyrics

Email:

  Link to "Silup"   Share on Facebook, Twitter, and more
  See Recommended Lyrics For You

Loading...

Lyrics by Gloc-9

  1 Day   Akin Lang Naman   Ako Ay Probinsyano (feat. Ebe Dancel)   Ako Si Gloc-9   Ako Si...   Alalay ng Hari   Alalay Ng Hari (feat. Johnoy Danao)   Alay Ko   Apatnapungbara   Atik Laham   Ayoko Na   B.I.   Bagsakan   Bahala Na   Bakit   Bakit Hindi   Bakit?   Balak ni Syke   Balita   Baon   Bayad Ko   Bituwin   Biyahe Ni Syke (Interlude)   Blues Niyang Itim   Bugtong   Businessman   Businessman (feat. Vinci Montaner)   Buti Na Lang   D Intro   Dapat Tama   Demo Tape (Interlude)   Diploma   Elmer   Excuse Me Po   Get 2 Know You   Get To Know You   Gusto Ko   Hari Ng Tondo   Hari Ng Tondo (feat. Denise Barbacena)   Hinahanap Ng Puso   Hindi Mo Nadinig   Hindi Nadinig   Hindi Sapat   Hindi Sapat (feat. Cooky Chua & Ryan Cayabyab)   Huminahon Ka   Huminahon Ka (feat. Sly Kane & Lirah)   I Will Sing   Inday   Intro Ni Aristotle   Intro ni Mike Swift   Ipagpatawad Mo   Isang Araw   Itak ni Andres   Jologs   Kaibigan Ko   Katulad ng Iba   Katulad ng Iba (feat Z Quizon)   Kayo   Kislap   KMT   Koro   Kung Tama Siya   Kunwari   Kuwento Mo   Laklak   Lando   Lando (feat. Chito Miranda)   Lando (Radio Edit)   Lapis At Papel   Limang Kanta Lang   Limang Kanta Lang Po   Liwanag   Liwanag (Acoustic)   Lov Na Lov   Love Story Ko   Magda (feat Rico Blanco)   Maggi Sinigang Sa Miso   Malakas (Interlude)   Martilyo   Masama Yan   Nag-iisang Mundo   Nginig   Okay Ako   One Hit Combo   Pa'no Kaya?   Panaginip   Pangarap   Pano Kaya?   Papel   Pasakalye ng Pangarap   Pison   Pison (feat. Chito Miranda)   Rap Ka Nga   Salarin   Salbahe   Sayang   Si Raul   Siga   Sikat Na Si Pepe   Simpleng Tao   Sino (Interlude)   Sirena   Sirena (feat. Ebe Dancel)   Slick n Sly   Sulat   Sumayaw Ka   Tadhana   Takip Silim   Takipsilim (feat. Tippy Dos Santos)   Talumpati   Tao   Thankful   Thankful (feat. Maychelle Baay)   The Bobo Song   The Task Is Done   Tinta   Tissue   Torpedo   Tsinelas Sa Putikan   Tsinelas Sa Putikan (feat. Marc Abaya)   Tula   Upuan   Usap Tayo   Usap Tayo (Extended Mix)   Walang Natira

Related Songs