Pilosopo
Loonie

Malawak ang isip, matalas ang diwa

Yun nga lang kakaiba ang tabas ng dila

‘Pag hawak ko na ang mikropono, lagot

Bawat bobong tanong may pilosopong sagot


Mag-aral ng mabuti, yan ang dapat kong gawin

Kaso nga lang pati masama inaral ko na rin

‘Tsaka di ko man aminin, kung ano ang ayaw kong isulat

Yun ang ibig kong sabihin


Di mo maintindihan pilit mo mang isipin

Ang pahiwatig ng mg titik sa awitin

Malalim humiwa ang lirikong may ngipin

Palaging sariwa, hindi nakakabitin


Bisayang dako, dios ko, simba ko

Bakit ganito lahat gusto maging ako

Ang dami kong pangarap, tutuparin ko ‘to

Tagalog, Bisaya, Ingles, may punto pa rin ako (ano!)


Ano mang sabihin mo, di mo kayang tindihan

Kahit na itodo mo

Kasalanan ko ba na, di mo maintindihan

Ang isang pilosopo


Easy lang, bakit ka masyadong seryoso…

Easy lang, bakit ka masyadong seryoso…


Kahit mag collabo pa kami ng sinasabi mong da best

Ako’y cannibal, pag may bisita kinakain ko yung guest

Kung hindi mo yun nagets, pwes ‘di ka na bagets

Jejemon at putapets, pwede munang umalis


Alis, layas, malinaw ba

Di mo ba naintindihan parang “ni hao ma”

Bumbilya sa ulo ko may ilaw na


Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka


Halimaw sa mikropono, teka muna pare

Walang sinabi mga letra mo sa akin

Tahimik bawat titik, alpabeto’y wawasakin

Pwedeng daanan ng bapor ang metaphor sa lalim


Tawag sa akin sa amin ay Hari ng Tugma

Ito’y biyaya nga ba galing langit o sumpa

Kasi pag sinabi mong rapper ka, laging may kutya

Anong klase, gift wrapper o wrapper ng lumpia (pero!)


Ano mang sabihin mo, di mo kayang tindihan

Kahit na itodo mo

Kasalanan ko ba na, di mo maintindihan

Ang isang pilosopo


Easy lang, bakit ka masyadong seryoso…

Easy lang, bakit ka masyadong seryoso…


Pero tingnan natin kung mapungay ang kwento mo sa pagong

At ang kumento’t mga tanong o argumento na alam mong, alam kong, alam nyong di na bago parang tunay sa di totoo

Sinong binobo nyo nung halalan, o kailan ba, sinong binoto mo

Ako’y pilosopo, para sa likas, daliring turong sinaulo nang mapangatawan

Bagamat matigas ang ulo’y mayrong malambot na pusong habol ang huling halakhak kahit pa pagtawanan

Nangarap ng malayo, may natapos , san nagmula

Umabante pataas na may pagpapakumbaba

Pinagmalaki ko na bago pa maliitin ng mga pangungutya

Lalo na kung galing lamang sa mga walang mukha

Na mahusay sa pag-gamit ng mabangong salita

Pero di balanse ang timbangan ng kanan at kaliwa

Pero baka biglang matulala, alam mo na, nagulat ma eat bulaga

Pag sinimulan ko kayong pakitaan ng mga akala nyo sa akin wala, (wala!)


  Purchase "Pilosopo"   Purchase Entire Album   Email Video to Friends   Play Youtube "Pilosopo" Video   Play Spotify "Pilosopo" Song   View Wikipedia "Pilosopo" Entry   Receive Emails for Future Loonie Lyrics

Email:

  Link to "Pilosopo"   Share on Facebook, Twitter, and more
  See Recommended Lyrics For You

Loading...

Lyrics by Loonie

Related Songs