Magmula ng tayo ay nagkalayo
Ang puso'y umiibig pa rin
Nalulumbay sa tuwing na-aalala ang lumipas natin
Ang mga mata ko'y laging may luha
Hindi kaya mayroon ka ng iba
Sabihin mong ako, ako pa rin ang iniibig mo
Kailanman ikaw lamang ang aking mahal
Kailanman ang tangi kong pinagdarasal
Minsan pa sana'y mayakap ka
Patutunayan na mahal kita
Kahit na saan ka man naroroon
Nais ko na iyong malaman
Hinding hindi kita magagawa na aking kalimutan
Ang lahat sa ating munting nagdaan
Ay turing kong tanging kayamanan
Wala ng hihigit pa sa ating ginintuang pagibig