Kabatak
Mike Kosa

Andyan kayo sa panahon gusto ko ng lisanin

Ang mundong to dahil sa bigat ng aking pasanin

Mga problema ko na kayong na kakaramdam

Mga pangarap ko na kayong na kakaalam


Kayo ang aking gabay kaya hindi bumigay

Mga sama ng loob na dinadaan sa tagay

Kayo ang nag palakas ng loob upang kumasa

Hindi nyo ko pinabayaan na akoy mag isa


Sa hirap man o sarap o meron man o salat

Nag aambagan lahat walang wallet sa balat

At kung anong nakalapag ay pinagtsatsagaan

Problema man na kay bigat inyong pinapagaan


Di ko malilimutan

Kaibigan na pinag samahan

Mga bagay na nangyari lungkot man o ngiti

Mga ginto kong sandali...

Hindi ko na mabilang kulang ilang beses lumapet

At sa bihin ang problema na aking sinapet

Lagi kayong nasaking tabi at handang tumulong

Mula sa aking pagsikat hangang saking pag gulong


Mga tawanan na bumabakas sa bawat ngiti

Na pumapawi sa lahat dinanas kong hikbe

Sumasaya ang sanadale kapag nag bibiruan

At kung sino ang mag kakaso ay walang turuan


Pakikitungo ng bawat isa lage ay pantay

San man lugar magkakasama at magkakaakbay

Sana walang bumigay sa ating pag lalakbay

Mapapasakamay din natin ang mga tagumpay


Ito ay simpleng kanta na aking na isulat

Upang iparating ko ang aking pasasalamat

Sampu ng ating samahan at mga kabilang

At ilang kaibigan ko na naging magulang


Kayo ang nag mulat ng aking mata upang makita

Na masaya parin tayo kahit walang kinita

Sa kagustuhang umunlad sabay sabay nangarap

Na balang araw makamit at atin tong mahanap


Na kahit na ang isa satin ay makatalisod

Para tumatag ang samahan at mataguyod

Dahil pagsikat ng isa ay pag angat ng lahat

Kasi yaan ang dahilan kung bat tayo nag susulat


Wala na tayong iwanan pre hanggang sa hule

Sabay sabay natin tapusin ang mga nangape

Akoy inyong kakampe kayo naman aking sandalan


Ang pagsasamahan natin tunay ay pang matagalan


  Purchase "Kabatak"   Purchase Entire Album   Email Video to Friends   Play Youtube "Kabatak" Video   Play Spotify "Kabatak" Song   View Wikipedia "Kabatak" Entry   Receive Emails for Future Mike Kosa Lyrics

Email:

  Link to "Kabatak"   Share on Facebook, Twitter, and more
  See Recommended Lyrics For You

Loading...

Lyrics by Mike Kosa

Related Songs