Abrakadabra
Abra

[Intro:]


[Tambay 1:]

Si Abra ka diba?

Tara FlipTop tayo…


[Tambay 2:]

Wag pare! Idol yan


[Tambay 1:]

Hindi! Kaya yan...


[Abra:]

Chichirya lang sa tindahan ang aking balak na chibog

Pero sige magbabasag ako ng apat na itlog

Unang tong mukhang hindi natulog ng ilang taon

Sa lapad ng mukha mo tol mas bagay ka bilang pagong

Itong gangsta na umaasta may pagkaangas pa

Sa haba ng iyong labi ay para kang gansa

At ikaw kung makatingin akala mo may atraso

Baka naman may trangkaso ang kaso lang ay aso

Ngayong katumbas, O! ba’t biglang may aso rito

Handa ka na ba? Ikaw ang aking paborito

Di kita gagawing hayop at para mas malinaw

Ang balak ko sayo ay gagawin kitang halimaw

Gagawin kitang halimaw

Halimaw


“ABRAKADABRA”


Yow! Yow! Yo-o-ow…

This is a FlipMusic Exclusive

Kagalang galang na mga nilalang ng mundong ibabaw…

Ito na pala ang pinakahihintay niyong lahat…



Handa ka na bang marinig ang pinakamahusay?

Pinakawalan ng impyerno dahil tinanggal ang sungay

Pinagkamalan na rebelled pero tinanghal na tunay

Na MAKATANG HIBANG! Sino ba kasi ‘yan?!

Ang eskperto sa paggamit ng tayutay na magulang

Mga bobo kailangan ng patnubay ng magulang

Puro isip bata at yan ang patunay na magulang

Ang MAKATANG HIBANG! Sino ba kasi ‘yan?!


[Verse 1:]

Ako si ABRA! Kadabra! Handa ka na ba pre?

Wala akong paki kung hindi, wag kang maarte

Making ka na lang sa mga kataga na medyo mabangis

Sobrang bukambibig na parang presyo ng langis

Ang sadistang rapist artista na boy

Kaya hasta la vist sa rap na baduy

Istupidong pag-ibig sa mga kanta ng unggoy

Walang kawala na para bang nasalanta ng Ondoy

Ako ang nabuwang na mukhang mabait

Maluwang ang damit at lubhang masakit

Ang mga salita ko pangdalubhasang galit

Eh ‘yong sa’yo naman parang nagmula lang sap wet

“Walang class” Talaga?

“Ang baduy” Mas desente ka?

Kung ayaw mo kanta ko sana lang maaksidente ka

Mahulog sa hagdanan malunod at makuryente ka

Tagalog o Ingles sa’kin magkakaleche LECHE KA!


[Chorus:]

‘Di kapanipaniwala

Ito ang kanta na nagsisilbing paalala

Na ‘di lahat ng rap ay nakakawalang gana

Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra

(ABRAKADABRA)


At talagang mahiwaga

Sabihin sa pamilya at mga kabarkada

Na ‘di lahat ng rap ay nakakawalang gana

Sumama na kayong lahat sa Abrakadbra

(ABRAKADABRA)


[Verse 2:]

Hindi ko kayang kumuha ng kuneho sa’king sombrero pero

Kaya kong kumain ng ispada na merong yero

Hindi ito stirero, ako paminsan eh

umuupo sa dingding o kaya tulog sa kisame

“Idol naniniwala po ako ng totoo”

Problema ng Pinas marami nang mg uto-uto!

Punong puno, kung kaya’t dugo ko ay kumukulo

Oh Diyos kop o! alam ko na hindi mo rin ginusto ‘to

Kaya biyaya mong handog, gagamitin ko

At kahit may pagkahambog, sasabihin ko

Na ako mismo humahanga din sa lyrics ko

Minsan nakikipag-apir ako, SA SARILI KO!

Imposible parang nagka-utang sa pulis

Nakakapagpabagabag na parang kubang nabuntis

Nakakamangha talaga ang aking mga salamangka

Na nagpasok kay Aladdin at Genie sa isang lampara



[Chorus:]

‘Di kapanipaniwala

Ito ang kanta na nagsisilbing paalala

Na ‘di lahat ng rap ay nakakawalang gana

Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra

(ABRAKADABRA)


At talagang mahiwaga

Sabihin sa pamilya at mga kabarkada

Na ‘di lahat ng rap ay nakakawalang gana

Sumama na kayong lahat sa Abrakadbra

(ABRAKADABRA)


[Hook:]

Kung sakali lang na ‘di mo maintindihan

Baka masyado nang makitid at barado na ng litid ang iyong kaisipan

Kung ‘di mo trip ang mga hirit na nanggaling sa’king isip wag mong pakikinggan

At basta wag mo lang idamay ang ama at ang ina mo sa iyong kapintasan


[Verse 3:]

Baluktot na ang industriya at para ating maituwid

Itigil na ang SpongeKumag, FemHale tsaka CueSHET!!!

Mga bandang nakapalda, banda rito banda roon

At mga kritikong ‘di naman talaga matalino ba’t ganon?

Bat Girl… Nakakasilaw, ang galing daw

‘Di marunong kumanta pero sikat parin, WOW!

‘Di marunong sumayaw at ang mas masaklap

‘Di marunong mag-rap parang de ap na may mansanas sa harap

Ako ang tinagurian na isa sa mga pinakamalupit

Ang makatang hibang na binabalak ulit

Na muling ibalik ang tinaga at punit

Na karangalan n gaming larangang inakalang nasa ataul

HIP-HOP! Mahal kita kaya kita ipinagtatanggol

Ang musika parang babaeng napusuan ko

Kaakit-akit makahimas kaya nga ang tigas ng ulo ko

At aking nilabas ang kanta kahit may butas ‘to

Para makabunga ng mas marami pang KATULAD KO


[Chorus:]

‘Di kapanipaniwala

Ito ang kanta na nagsisilbing paalala

Na ‘di lahat ng rap ay nakakawalang gana

Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra

(ABRAKADABRA)


At talagang mahiwaga

Sabihin sa pamilya at mga kabarkada

Na ‘di lahat ng rap ay nakakawalang gana

Sumama na kayong lahat sa Abrakadbra

(ABRAKADABRA)


Handa ka na bang marinig ang pinakamahusay?

Pinakawalan ng impyerno dahil tinanggal ang sungay

Pinagkamalan na rebelled pero tinanghal na tunay

Na MAKATANG HIBANG! Sino ba kasi ‘yan?!

Ang eskperto sa paggamit ng tayutay na magulang

Mga bobo kailangan ng patnubay ng magulang

Puro isip bata at yan ang patunay na magulang

Ang MAKATANG HIBANG! Sino ba kasi ‘yan?!


Ako si ABRA! ABDAKADABRA!


  Purchase "Abrakadabra"   Purchase Entire Album   Email Video to Friends   Play Youtube "Abrakadabra" Video   Play Spotify "Abrakadabra" Song   View Wikipedia "Abrakadabra" Entry   Receive Emails for Future Abra Lyrics

Email:

  Link to "Abrakadabra"   Share on Facebook, Twitter, and more
  See Recommended Lyrics For You

Loading...

Lyrics by Abra

Related Songs